Gusto ko maging malinaw ang bawat salita at ideya na ilalagay ko dito, kaya naisipan kong mag tagalog. Napansin ko kasi, pag english nalilito ako. Hindi ko masabi ng ayos. *Ay natawa ako, naisip ko ang bobo ko pala sa English? Haha joke lang. Pinapatawa ko lang sarili ko. Eto nanaman ako, naguguluhan. Hindi eh, nalulungkot ako sa mga nangyayari kahit wala naman. Pakiramdam ko, ginagawa ko nanaman ang lahat, sobrang lawak lang ba talaga ng imahinasyon ko at kung ano anong bagay ang nagagawa kong isipin? O talagang imahinasyon lang ang lahat?
Ewan ko. Sa ngayon, pakiramdam ko kasi parang nababalewala nanaman ako, sa lahat talaga pinaka ayaw ko yung ganun. Natatanga nanaman ata ako, kasi lahat binibigyan ko ng ibig sabihin, kahit wala naman at baka ganun ka lang talaga. Malabo ang lahat, kasing labo ng nararamdaman ko para sayo. Para sa akin, ngayon ko lang naisip na sobrang bilis ng mga pangyayari. Pero wala pa sa point na..i hate to say this word, overrated. Wala pa sa point na mahal kita, pero hindi lang talaga kita maalis sa isip ko e, it sounds corny and common, pero ganun talaga e. Gusto ko sa blog ko, totoo ako sa lahat ng sinasabi ko. Sa araw-araw na ginawa ng diyos, hanggang sa pagtulog at paggising ko andun ka parin. Para kang statue na andun lang, hindi umaalis. Minsan naiisip ko nababaliw na ko sayo e, itake mo yung sinabi kong yun ng literal.
Hindi ko lang kaya tiisin sa sarili ko, sa isip ko, sa puso ko yung mga emosyon na nararamdaman ko. Nalulunod ako sa mga eto. Hindi ko na kayang tiisin, itago lamang sa sarili ko. Pero ano ba ang point kung malalaman mo, lalo lang gugulo o baka hindi na tayo maging tulad ng dati. Sobra lang ako mapapahiya sayo, tipong wala na kong mukhang ihaharap. Pero kung mababasa mo man to, gusto ko lang malaman mo na, ikaw talaga. Ikaw yung tipo na nadadapa ako nakita lang kita. Yung talagang napatumba mo ako ng todo, hindi ko alam. Meron ka na wala yung iba na gustong gusto ko talaga. Gusto ko kasi yung iba magisip, yung pagiisipan mo talaga bakit nya sinabi yun yung hindi basta basta lang. Yung malalim magisip, madaming alam sa mga bagay bagay. Oo, hindi ko man alam lahat kasi sobrang bilis nga ng mga nangyayari. Ewan ko ba, bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko sayo. Na gusto ko alam mo lahat ng tungkol sakin, na ang gaan sa pakiramdam pag nakakusap kita. Masaya ako pag nakikita kita, o naririnig ko boses mo. Ibang saya binibigay mo sakin e. Ibang iba sa binibigay ng iba. Iba talaga tama mo sakin. One of a kind to shorten it. Hay.
Wala naman problema e, sakin lang. Masyado ako naaapektuhan sa mga simpleng bagay. Na masyado lang siguro ako nagiisip bakit ganito, bakit ganyan. Nasasaktan ako ng wala naman talagang dahilan. Pero babalik at babalik pa din ako pag nawala na. Hindi ko mapigilan ang sarili ko ngayon na malungkot sa mga bagay na wala naman talaga, na ako lang talaga. Assuming lang talaga ako no? Sana totoo yung mga sinasabi mo, sana naiisip mo din yung mga naiisip ko, pareho kaya tayo ng naiisip? Sana nararamdaman mo din nararamdaman ko. Sana.. sana.