Saturday, May 29, 2010

Fact or fuck?

Sorry naman sa word na "fuck" sa title, sobra lang ako naiinis. Hindi naman naiinis, pero totoo. Kasi, hindi ko maisip bakit mayroong mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob at mayroon din namang mga tao na lumalapit lang sayo o kaibigan ka lang pag mayroon silang kailangan sayo. 

Nakakainis hindi ba? Simpleng thank you lang hindi pa mabigay sayo. Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo para sa taong yun, simple man o bongga. Hindi naman ako naghahanap ng kapalit eh, simpleng thank you lang ang gusto ko, kasi kahit ganon lang nakakataba yun ng puso, at least may napuntahan yung pagod mo. Kahit sino man yan, simpleng kaibigan, magulang o kahit espesyal na tao sa ating buhay. Wala akong gustong patamaan dito o ano, gusto ko lang malaman ninyo ang mararamdaman ng isang taong pinagkaitan ng simpleng pasasalamat.

Minsan, may mga kaibigan tayong nagiging malapit sa atin, yung tipong close natin. Pero may mga panahong tayo ay nalalayo sa kanila dahil tayo ay busy sa ating mga ginagawa, pag-aaral o trabaho man. Tapos minsan, nararamdaman nating miss natin sila. Sa aking lagay, may mga kaibigan akong ganyan, pero kahit simpleng "I miss you" lang hindi nila maibigay sakin. Pero pag may kailangan, yan na, saka ka sasabihan ng 'I miss you", "Uyy, kamusta na?","Kita tayo!". Yan, mga ganyang linya ang madalas na natatanggap ko. Tapos siyempre ako naman, sasagot ng "I miss you too", "Uyy okay lang, ikaw?", "Sige,tagal na natin di nagkekwentuhan eh". Ako si tanga, go lang ng go, pero sa huli. May kailangan pala ang mga kaibigan ko. Yun pala. So kaibigan lang ako pag may kailangan sila? O magpapalibre sila? Sawang sawa na ako, panahon na para matigil to. Kailangan na nilang maisip na hindi tama yun. Pinagdadasal ko na lang na maisip nila yun. Kawawa naman ang mga kagaya ko na naging tanga at sumunod sa mga bagay na gusto nila. 


Wala akong binabanggit na pangalan dito, pero kung ikaw man yan, na binabasa ang walang kwentang blog ko, puro mga hinanakit at mga malalabong pakiramdam lamang ang nandito. Sana maisip mo, na masakit yun. Hindi mo ako kaibigan pag may kailangan ka lang, pwede mo naman ako maging kaibigan hanggang kailan mo man gusto, ikaw, bahala ka kung gusto mong sirain ang ating pinagsamahan, o panatilihin natin ito at maging masaya sa ating mga buhay buhay. Kaibigan mo ako sa lahat ng bagay! Handa naman ako ibigay sayo ang kailangan mo hangga't kaya ko, pero wag mo naman abusuhin at hayaang dumating sa lagay na ang dahilan ng pagiging magkaibigan natin ay dahil ako ay magagamit mo, sorry kung masakit yung part na sinabi kong yun, pero yun ang sa tingin ko ay bagay na sabihin. Kaya kaibigan? May kailangan ka ba? 


"No mistake, no heartbreak  Can take away what your meant to be."


My superpower ako, ikaw?

Siguro meron din kayo nitong super power ko, ito ay ang Love. Haha!


Kagabi kasi inedit ko yung profile ko sa picasaweb google, then mga simple details lang yung nandun. Weird lang yung isang info dun na "My superpower is..." Then, sobra ako napaisip anong superpower ko. Kahit alam ko namang impossible yon. So i think, ang meron lang ako ay ang "Love" it sounds so corny pero totoo naman eh? Ikaw din naman di ba? Wala man tayong kakayahang lumipad o hindi tablan ng baril ay meron naman tayong kakaibang kakayahang nakapagdudulot ng saya sa ibang tao, at sa atin din mismo. 

Hindi ba't pag ikaw ay mayroong minamahal ay masaya ka? Di ba? At ang taong iyong minamahal ay masaya din? Sobrang nakakagaan ng loob ang ganitong pakiramdam na tayo'y mayroong mga minamahal at mayroon ding mga taong nagmamahal sa atin. Dahil dito, nagkakaroon tayo ng bagong pagasa, ng masayang buhay na hindi mapapantayan ng kahit ano man, nagkakaroon tayo ng dahilan na gumising sa umaga, at nagkakaroon tayo ng dahilan na mahalin at pahalagahan ang ating buhay. Mayroon man tayon ka-relasyon, at alam naman nating mahal na mahal natin siya, wala pa ring makakapantay sa pagmamahal natin sa ating Diyos. Lagi nating tatandaan na kahit tayo ay may boyfriend o girlfriend, mga kaibigan at kahit magulang, huwag nating kakalimutang bigyan ng pagmamahal ang taong nagbigay ng buhay sa atin, at nagbigay ng pagkakataong makilala ang mga taong magpapasaya sa atin.

Kung minsan man ay naiisip ko na wala ng nagmamahal sakin, kahit ang aking mga magulang o kaibigan, para bang ang bigat at wala ka ng ganang gawin ang mga bagay bagay. Hindi man kapanipaniwala, pero totoo, ganyan din kayo kung minsan, hindi ba? Yung sa pakiramdam mo ay wala ka ng magagawang tama na wala ka ng pagasa sa buhay. Na para bang dala mo ang problema ng buong mundo at binagsakan ka na ng langit at lupa sa sobrang bigat ng iyong dalahin. Minsan hindi mo na alam ang gagawin mo dahil dito. Pero huwag dapat natin hayaang mangyari eto, dahil sa sampu mong kaibigan meron pading isa diyan na nagmamahal sayo ng tunay at lubos, at sa mata man ng Diyos, alam naman nating mapapatawad tayo nito at hindi tayo pababayaan at hindi makakalimutang mahalin.

So hindi naman ako naging masyadong seryoso sa mga sinabi ko? Haha! Pero totoo.


Right here, the best days of our lives. Is this coincidence or a sign?

Wednesday, May 26, 2010

Heart attack.

Okay! 2 days ago i think? I'm with some of my close friends we went to Town then to Festival. Because my friend is looking for a service center for his iPhone. Then we went to Festival for the kart thing, the bump car and they keep on insisting (Jodi, thanks for the word) me to try the Roller Coaster! And i was like "What the f*ck!, no way!" Cause, i have these FEAR OF HEIGHTS or they call it ACROPHOBIA. You can google it for more details. Sometimes, my friends would ask me to go with them in Enchanted Kingdom, Space Shuttle, Anchors away, Jungle Log Jam, Wheel of Fate etc! Oh my, i can't do that. I'll die. I don't know how did this happen, i don't know where it came from, from what experience, i can't remember. I just can't overcome this fear of heights. 

Then okay, i wasn't able to continue my story about the Festival thing. So there, my friends are so kind and understanding that we didn't continue to ride the Roller Coaster. And then, we went to Pixie Forest and its my first time to ride the "FUNHOUSE". I'm expecting that it would be really FUN, because of the name. It was a small room with paintings and stuff on the wall. We were like 10 people seating there with a tight seat belt? Its not a belt actually, its a metal bar? Wtf. Seat lock! There! hahaha! Then i was thinking why do we need a lock, my friends said its just illusions and everything. Then i can't understand what they're talking about "360 and 180 degrees". Suddenly the lights went off, then our seat started to sway from left to right. I have this bad feeling about that swaying seat. There's a story i think, cause someone is talking in the background. Then i closed my eyes, cause its swaying so hard that i could reach the ceiling! And i was like "FU guys! I hate you friends!" the whoooooollleeee time. Hahaha! I was shouting, i swear. That was HELLA FUN! Kaya nga siguro FUNHOUSE yon! Well, Thank you guys for that experience, but still i have ACROPHOBIA! Try that funhouse, and you will be like this @_@. Haha!


"What am I supposed to do when the best part of me was always you and what am I supposed to say when I'm all choked up and you're okay?"

Monday, May 24, 2010

Not Possible.

When i'm still young, i love watching movies about superheroes! Just like, Spiderman, Superman, Batman etc. And now, even though I'm a teenager already i still love watching movies about superheroes. Every time i watch movies like that, sometimes i wonder what if i have those kind of what they call "Super powers"?

Invincible. Having this kind of super power, is i think a really cool idea. You could watch a movie for free in the cinemas without getting caught, right? You could be a very very bad kid cause you could do so many silly things with this. 

Fly. That would be awesome! You could go anywhere you want! You don't need a car or even a plane to go where you want to. Right? You could even sneak into people's houses. :)) Oohh, that's bad. 

Power to Read minds. That would be cool too, see, example you have a suitor or your boyfriend for example. You're on a date, or something you could read his mind, like what does he want to share, or do. Something like that. Or i think this would be cool too, example your crush was looking at you then you read his mind, he's thinking of asking you on a date! THAT WOULD BE :"> Aww. Hahaha. 


Power to Predict the Future. Well, i think having this kind of power or something, i think it would be scary. Cause, you can see what will happen tomorrow and for the next few days. Right? It could be good but it could be bad too or worse!, so i think, i don't like having this kind of power! Haha! 


So tinatamad na ako magisip, and its a long list of superpowers. This is enough for now, maybe someday i'll continue this. This is not possible, and its so sad. I can't imagine earth or just philippines and all of the people have different kinds of super powers! That would be awesome! Haha! Kids are flying, your parents can be invincible. Hahaha! That would be fun, i think. Look, we may not have these super powers but don't worry, we are AWESOME!

Sunday, May 23, 2010

Someday, maybe.

I want to be a billionaire so freakin' bad. 


Hell yeah! Buy the things i never had, and everything! Help my parents and myself too. I just can't imagine having lots of money like a million or even a billion. I just don't know how to spend it. Maybe i'll start buying a house, well i don't want a huge huge house, big house is enough, its not the same, K? Haha. Then, maybe a car. 2 cars. My dream car and a car for my family.  After that, maybe i'll go shopping. Then, save the money. Yun lang. Hahaha. I'll save money too for my parents and my relatives.


If i have more than a million like billion, maybe i'll do the same then travel! That's my dream, to travel. Lots of travel. Not really around the world, but the places i really want to visit. Then save the money again. 


"I swear the world better prepare for when I’m a billionaire."

Thursday, May 20, 2010

Truth can be a lie.

TRUTH CAN BE A LIE.

Kahit ako, naiintriga sa lovelife ko. Hahahaha. Natawa naman ako, pero madami kasi ngtatanong sakin.

"Sino boylet mo?"
"Sino yun?"
"Kayo ba?"
"Anong meron sa inyo?"

Mga tanong na madalas kong natatanggap, pero mas madalas yung una. Mali ba ang magtago ng impormasyon tungkol sa lovelife? Hindi kasi ako yung madaldal pagdating sa lovelife, sa ibang bagay oo sobra, pero sa ganitong topic hindi. Madaming naiintriga hindi ko alam kung bakit? Hindi ba sila nasasanay na madaming nagkakagusto sakin? Hahaha! Ay sorry. Erase, mamaya may mangaway sakin sa formspring dahil dun. Well anyway. Sige, sasabihin ko ang totoo. 

Boyfriend, wala ako nun. NBSB! Alam niyo yan alam ko. Kung hindi, bahala kayong alamin yan. Kasi panget ako, hindi ako ang babae na madalas hanap ng lalaki. Siguro? Yun ang tingin ko sa sarili ko, hindi naman ako nalulungkot, bakit? Required ba ang Boyfriend para mabuhay? Hindi naman ah? Di ba? Minsan naghahanap ako, pero mali yun eh, naniniwala ako sa "DADATING DIN YUN". Meron ng nagtanong, noong highschool pa ako nun, 3rd year highschool. Pero hindi ako nakasagot? Noong tumagal, hindi naman ako sobrang nagsisi, pero feeling ko ang sama ko, kasi hindi ko siya nabigyan ng chance. Oo, gusto ko naman siya, pwede naman, pero bakit natanga ako nung nagtanong siya. Sorry for the word. Mayroon naman akong mga, sabihin na nating nakaMU. Pero naisip ko, bakit walang natuloy dun kahit isa? HINDI KO SINASABING SOBRANG DAMI NILA! Hahaha! Naisip ko lang talaga, hindi natuloy, ang tagal din nung huli kong MU, pero nagpapasalamat ako at hindi yun natuloy. Papatayin ko yung lalaking yun eh, ay bad yun, sorry. Wag na pala yun. Ewan? Choosy din ako eh, inaamin ko naman, namimili talaga ako. Hahaha! Hindi naman ako ngfefeeling ng something, pero ganon ako. Swerte na lang, kung yung gusto ko gusto din ako, GUSTO KO YUN! Pero, ngayon? Uhh. Hindi ko masabi kung ano. Pero kung meron man, o matuloy man o kung ano man mangyari, ipagdasal niyo na lang ako! 


"The perfect words, never crossed my mind, cause there's was nothing in there but you."

Tuesday, May 18, 2010

Savior or not?

Ang pamagat ng aking sinusulat ay ingles, ngunit ayokong pilitin ang aking sarili na magingles sa aking susulatin, dahil mas maiintindihan siguro kung ito ay tagalog.

Ganyan ang pamagat, dahil ito ay tungkol sa mga kanta na ating pinapakinggan.
Kanina lamang, nakausap ko ang isa sa mga matalik kong kaibigan na si "Jodi". Mayroon daw siyang narinig na kanta, ito ang (Breakeven-The Script) at huwag ko daw sakanya banggitin ang lyrics nito, sa tingin ko siya ay tinatamaan sa pinapahiwatig sa isang kanta. Dahil sa pangyayaring ito, napaisip ako. Minsan, kung tayo ay nalulungkot o nasasaktan man o may gustong alalahanin, tayo ay nakikinig ng ilang kanta sa ating mp3 o iPod, hindi ba? Kung tayo man ay nasasaktan dahil sa pag-ibig o kaibigan, at wala na tayong matakbuhan o makausap, ang mga kanta na lamang ang ating sinasandalan,at kahit papaano, pinapagaan nito ang ating pakiramdam. Tama ba ako? Ganon din kayo hindi ba? At minsan nakakatulog na lang at nakakalimutan na ang nangyari.

May mga pagkakataon din naman na, pag tayo'y nakakarinig ng isang kanta, meron tayong naaalala dito, pwedeng tao o pangyayari sa ating buhay na importante at tumatatak ito sa isip natin.

At kung minsan naman ay, ayaw na natin marinig ang kantang iyon dahil meron itong pinapaalala na ayaw na natin alalahanin, kagaya na lamang ng nangyari kanina noong kausap ko si Jodi. Dahil tayo ay siguro ay nasaktan. Hindi naman ako nagdadrama, payo ko na lamang sa inyong mga nagbabasa nito ay, wag na lang tayo magpaapekto sa mga kanta, iwanan niyo na kung saan niyo man gusto ang mga pangyayaring ayaw niyo ng maalala. Hindi solusyon ang hindi na pakinggan ang mga kantang ito, lilipas din yan. Ngiti na kayo, wag na tayong malungkot!


"you're better than the best, I'm lucky just to linger in your life."