Kahit January 1,2011 na. Hindi na siya matatawag na year-end. Pero wag nga kayo, kanya kanya yan. Blog ko naman to. Wala rin namang rules dito. Haha. Okay, so ano? Ano bang meron sa year 2010? Sobrang daming katatawanan, kalungkutan at iba pa, na ang iba hindi ko na maalala. Pero may ilan, na talagang hindi mawawala sakin eh. Okay, ilalagay ko yung iba kong tweets dito, about 2010. Let's start with..
#2010memories Best Birthday celebration!
--Oo naman, present yung mga closest friends ko. Siyempre hindi mawawala yung surprise eh, yung may cake tapos binigyan nila ko ng cartolina na may malaking lettering ng Happy Birthday! :') Sorry, pero ganon kababaw kaligayahan ko eh.Then, thanks to my mom for the food that'll make you forget your name. Haha! Oa? Pero totoo. Hobby niya yun eh, and talent na din. There was no dull moment, presents are not important. Basta nandon sila, okay na ako. Simpleng kwentuhan at pinakamasayang part yung time na were taking pictures. Lahat nagtutulakan, na para bang may riot? Kaya yung pictures, lahat stolen. May time na akala ko serious na then, nung may flash na, nagtulakan na, tapos nadapa ako sa floor. Haha! Oh gahh. I miss them. So that's it.
#2010memories So long sweet summer.
--Yes, sweet summer. Yun lang. Hahah. Jk. Ewan ko? Sobrang paulit ulit na tong kwentong to, and sawang sawa na din ako sabihin at isipin. Sige, iseshare ko. That was last year, so wala na yon. Sakin, pag sinabi mong wala, hindi totoo. Sa una, pero pag pinanindigan ko na wala na talaga eh. Pag nagisip talaga ako ng todo, wala na talaga. Minsan natatawa pa ako, kasi narerealize ko stupid ako. So yun, ang layo ng inabot. Ganito ang kwento. Example. Yung kapitbahay niyo, may anak. Tapos, kababata mo pa. So sabay talaga kayo lumaki. So close na close sila. Hanggang sa pagtanda nila, naging barkada sila. Pero sa tagal tagal ng pinagsamahan nila. Hindi nila naisip na maging mag-boyfriend-girlfriend sila. Kasi barkada sila eh, hindi talaga nila maiisip yun. Matatabunan ng pagkakaibigan ang lahat. Hanggang sa isang araw, nagbiro yung babae sakanya, sabi niya sila na lang. Kahit pabiro lang. Yung lalaki na medyo magaling sumakay sa mga biro, pumayag naman. Tapos yun, nagbibiruan sila na sila. Kung ako yun, feeling ko napakastupid nung babae para maisip na gawin yon. Anyway, so yun. Hanggang tumagal, medyo bumigay yung babae sakanya. Siyempre babae yun, malambot ang puso non. Eto naman si lalaki, hindi maintindihan. Hindi mo maintindihan kung ano ba ang kanyang nararamdaman o masasabi dito. So sabi sa kwento, hanggang ngayon ganun padin. Hindi nagbago ang storya. The End. Naawa naman ako sa babae, kasi kung ako yun. Nakakabitin. Para akong nakasabit sa isang mataas na building. Hindi alam kung kakapit o ano. Wala, gawa gawa ko lang ang kwento, kasi sa pagkakaalam ko wala ng pakeelam yung babae. THE END.
#2010memories Wild and Gorgeous friends!
--Oo naman, sa dami ng bago kong nakilalang tao noong 2010. Hindi ko masabi kung kakakilala ko lang sakanila, kasi feeling ko sobrang tagal ko na silang kabigan. Yes naman. Pero totoo. Parang it "feels like forever". Labo. Haha. Pero ganon nga. Parang hindi lang kakakilala sakanila. Bakit wild? Sa aspeto na, pag kasama mo, may mga bagay na unusual tapos bigla na lang gagawin in-public. Magugulat ka na lang. Minsan ikakahiya mo na sila at sasabihing hindi sila kaibigan. Meron pa, wild kasi may mga panahong nagiging wild ang ugali nila, lalo na't nakainom o ano. Haha. Ako? Hindi naman ako ganon. Sakto lang. Natatapon lang ang tubig o ice tea sa shorts. Haha! Jk. Mabait ako. 2011 na, kailangan ng magbago para sa ikabubuti ng iba. Mahilig ako sa mga bagong kaibigan, minsan gusto ko na nga lang mag-hi o hello sa katabi ko sa bus o jeep. Gusto ko laging may bagong kaibigan at masaya kasi yung may mga bago kang nalalaman sa isang tao. Masarap yung feeling na may bago kang nakikilala na personalidad. May bago kang tutuklasin.
#2010memories Love at first sight.
--Nakakatawa, oo. Haha. Noon talaga ewan. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa linyang yan. Sikat yang linyang yan. Lahat alam. Pero wala akong ibang maisip na phrase para mapalitan yung "love". Hindi naman talagang nainlove ng todo todo. Bigla lang naman nahulog ang puso ko sayo. Haha. Jk. Crush lang. Nung una kasi, hindi ko masyado pinapansin. Tapos nung tumagal, naisip ko "Aba teka nga, medyo gwapo yun" Haha. Minsan kasi di ba? Sa una mong tingin gwapo/maganda. Pero pag tinitigan mo na, maiisip mo hindi naman pala. Pero siya iba. Sa una kong tingin, hindi. Yung para bang okay lang. Nung medyo tiningnan ko ng matagal. Medyo napaisip na ko. Nagkamali pala ako nung una. Wala namang pangit na tao sa mundong to. Lahat tayo ginawa ng pantay pantay. Pero kakaiba siya, medyo maganda ang pagkakahalo ng mga genes ng kanyang mga magulang. Oo, hanggang ngayon crush ko padin siya. Crush lang naman. Natutuwa kasi ako pag nakikita siya. Haha. Parang kinakabahan ako na pinagpapawisan. Ang dami kong sinabi, isa lang naman yun. "Kinikilig".
#2010memories More plates!
--Kung dati, mahigit ilang daan din ang mga ginagawa namin, siguro ngayong dadating na 2011, libo na! Haha. Oa, pero totoo. Nakakapagod, okay lang kasi alam ko maganda ang patutunguhan neto. Magandang kinabukasan siyempre, isang anak lang ako. Kaya ang gusto ko, sa hirap ng pagtatrabaho nila para lang mabili ang mga kailangan ko, sa tamang panahon, gusto ko suklian ang lahat. Ibigay ang lahat ng pangangailangan nila, kahit ano pang mga luho ang hilingin nila ibibigay ko. Basta kaya ko, Nararapat lang yun para sa kanila. Magulang ko sila, ilang taon nila ko pinalaki. Pagdating ng tamang taon at panahon kailangan suklian ang pagpapalaki nila sakin ng ayos. Feeling ko, and third year mas magiging challenging. Dahil mas mataas na level na to. Malapit ng matapos, kaya mas hahasain ang aming kakayahan at talento. Para maging mabuting tagapaglingkod sa kapwa at maging tulong sa mga batang gustong maging Interior Designer.
#2010memories Then there was you.
--Then, there was you. Wala. Hindi ko na napansin yung crush ko. Haha. Kasi natabunan mo. Nung una, crush lang. Tapos sobrang dinedeny ko talaga sa sarili ko na nangyayari to. Na hindi to pwede. Hindi pwedeng mangyari to. At ang mga naglalaro sa aking isipan ay mga imposibleng bagay. Na ang lahat ay parang pangarap lamang. Hindi ko talaga matanggap sa sarili ko na naramdaman ko yun para sayo. Oo, nung tumagal nahulog ako. Tapos ang hirap, kasi ako lang nakakaalam. Noong sinabi ko sa isa, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Pero paano pa pag mismo sayo ko sinabi? Eh di sobrang okay na ko. Ewan? Hindi ko naman inaasahan na magiging maganda ang sagot mo. Minsan nga nakakatawa, gumagawa ako ng storya sa isip ko na paano kung ganito, ganyan. Haha. Parang gumagawa ng storya, ng libro, ng sariling kwento. Ganito naman ang mga artist hindi ba? Malawak ang imahinasyon. Oo, masarap talaga isipin, pero ang pagsabi lang sayo, sobrang hirap na parang isang math question. Bobo pa naman ako sa math. Sobra, para siyang isang tanong na alam mo naman ang sagot pero hindi mo masulat sa papel kasi natatakot ka na baka mali eto o tama. Parang mali hindi ba? Alam mo ang sagot pero hindi mo alam kung tama o mali. Sobrang sigurado ka,pero nagdadalawang isip ka. Natatakot sa pwedeng mangyari. Yun, yun lang naman yun. Natatakot sa pwedeng mangyari. Natatakot na baka maging kapalpakan ang lahat, natatakot na parang gusto mo na lang lumubog sa lupa, o natatakot na hindi magawang tanggapin. Sino ba naman ang hindi matakot sa pangyayaring yun? Ireject. Fuck you! Perpekto ka? Namimili? Choosy? Haha. Jk. Nagalit bigla. Pero paano ba pag ganito? May gusto ka sa isang tao? Kailangan ba sinasabi? O idaan sa pagpaparamdam? O wala lang. Ewan ko, kasi ako. Gusto ko, idadaan sa pagpaparamdam. Hanggang sa yun na, kasi alam mo yun. Baka mahimatay ako o ano pag sinasabi sakin. Nako, alam ko na yan. Third year pa lang, dahil hindi ako nakasagot sa sinabi niya,fail tuloy. Nakakakonsensya. Haha. Anyway, yun. Basta, para sa mga taong may minamahal at may nagmamahal. Wag niyo ng papabayaan. Minsan oo, mahirap panatiliin. Pero yun nga ang challenge ng buhay sa inyo. Para daw may thrill. Parang endurance game lang. Patagalan, hanggang sa maging forever. :') *Okay, corny ng part na yon.
Last but not the least,
And yes, I'm ending this year with a heartbreak. #2010memories
--A heartbreak, pero okay lang sakin. I know how to get rid of this.. secret. Haha. Corny, pero oo, sino ba naman hindi masasaktan di ba? Pero ano? Kaya nga to nangyayari para matuto at hindi na ulitin pa. Yun lang naman yun, oo napatunayan ko na yan. Totoo nga. Haha! Lalo na dun sa..grabe, lahat ata natutunan ko sakanya. Hanep. TLS. Haha! Mangyayari talaga to sa buhay natin, milyong beses pa. Hindi lang isang beses sabi ni Lord. Eto ang plano niya satin, wala tayong magagawa. Hindi natin magagawang ipilit ang bagay na hindi naman. Totoo yun, pag hindi, hindi talaga. Pero kung siya talaga, kahit ano pa man, babalik at babalik yan eh. Kahit lumubog ka pa sa lupa, andyan pa din yan. Hindi maaalis sa sarili at puso natin. *Nye, corny nung part na yon. Marami pang panahon para sa pag-ibig. Hindi lang ang oras na to, ang araw na to, ang linggong to. Hanggang habang buhay to. Hanggang sa tumanda, meron yan at dadating yan. Lahat tayo pinagplanuhan ng katuwang sa buhay sa tamang panahon nga lang na kailangan hintayin.
Yan ang summary ng lahat! Haha, kung may iba pa kayong gustong malaman, andyan ang cellphone, isang text lang ako, o ang facebook. Okay naman ako eh, wag kayong magalala. Kahit walang nagaalala. May kwento ako, pagkagising ko ng January 1, Wala, parang wala na akong naaalala pa sa taong 2010. Para bang, naiwan talaga lahat sa taong yon. Kung ano mga nangyari at naramdaman sa taong 2010, dun lang yon. Hindi mo mababago, maitatago at makakalimutan. Nangyari na nangyari. Kahit ano pang kahihiyan yun, nangyari na. Para akong browser, nirefresh! Hindi lang pala refresh, clear history din. Walang natira, kahit tuldok! Haha. Okay, so yun lang naman. Iwan na nating lahat ah? Magsimula tayong lahat. Hindi ibig sabihin kinalimutan ko ang kung ano man, ayoko na lang itong ibalik. Masyadong luma na, sisimulan ko ng bagong page.
Hi, I'm Zan, and you're?
"I've got a different approach to dealing with emotion. Keeping control of my boat, while drifting on this ocean. Keeping my head to the sky, keeping tears out of my eyes."
No comments:
Post a Comment