Monday, April 4, 2011

I Can Barely Breathe

Hello! Hi! Haha. Weird ko, sorry. Eto lagi pinakamahirap sa lahat, simula. Okay, so this day? Fine, pero boring at wala kong gustong gawin na kahit ano. Hindi ako nageenjoy kahit summer, nakakainis. Gusto ko lumayo, like travel or kahit ano. Pero hindi ko alam sa parents ko at relatives ko bakit sobrang busy na lang lagi sa kung ano anong bagay at trabaho nila. Ako lang ata adventurous dito, gusto ko lagi umaalis, gusto ko yung laging may nakikitang bago at nakakakilala ng mga bagong kaibigan. Masaya kasi yun eh, para sakin. Kaya kung may lakad ka, pwede mo ba ako isama sa iyong paglakbay? 

Okay na din, kasi nakakasama ko lagi ang mga magulang ko at mga kamag-anak ko. Pero sobra ko talaga namimiss yung iba naming relatives na nasa ibang bansa, sila pa namin ang mga close ko talaga sa pamilya na to. Malapit na din umuwi ang isa kong pinsan na mahigit 1 taon ko na din hindi nakikita, sana turuan niya ako magfrench. Haha! So anyway, malapit na Death Anniversary ng Lolo ko, at namimiss ko na din siyempre sya lalo na ang mga linyang kagaya nito "Nasaan nanaman ang p*tangin*ang remote na yan?" "Aba'y napakagaling naman ng apo ko" "Tsk! Ang apo ko talaga, ang galing galing" Sanay na kaming lahat kung gano siya kalupit magmura at kalakas sumigaw, pero okay lang kasi ganun talaga siya. Haha!

Ang ganda ng huling kantang narinig ko ngayon lang, "A day late (Acoustic) by Anberlin"
Tugmang tugma sa situation ko ngayon, sa nararamdaman ko, at sa mga nangyayaring bagay. Siguro'y ako lang ang nagsasabi na ganito ang situation pero hindi ko na alam sayo kung ano.

"So let me get this straight
You say now you loved me all along
What made you hesitate
To tell me with words what you really feel
I can see it in your eyes you mean all of what you say
I remember so long ago, see I felt that same way"

Eh kasi naman, sana katulad mo ako, na vocal sa lahat ng bagay. Yung sinasabi ko nararamdaman ko kung ayaw ko neto at ng ganito, o gusto ko ang bagay na ganito at eto. Yung sasabihin mo kung anong naiisip mo, nararamdaman mo, napapansin mo, lahat. Minsan naman mahirap talaga sabihin, pero parang nasobrahan ka naman na halos kawawa naman ang nabibiktima mo, iiwan mong clueless, iiwan mong nahihirapang magisip kung ano ba ang nangyayari. Mahirap yun, kung alam mo lang. Natatakot ka? Parte yan, pero ganun talaga. Sabi nga ng isa kong kaibigan, "Life's like that, like that"

"Only time will tell
Time will turn and tell

We are who we were when
Could've been lovers but at least you're still my day late friend"

Sabi nga lagi ng ibang tao, maghihintay hanggang kaya o hanggang kailan man. Pero para sakin, mahirap gawin yun. Hindi ko ata kakayanin ang kagaya ng ginagawa ng iba. Maraming masasakripisyo ng dahil sa ginagawa ko, madaming mawawala, madaming pwedeng magbago at madami pang pwedeng dumating na pagkakataon sa kung ano mang bagay sa aking buhay. Kung wala, maaari ko na lang gawin, tanggapin. Yun lang naman, hindi ko naman kailangan maghabol o lumuhod halos sa harapan mo at magmakaawa. 

Tama na, ako ang nahihirapan sa ginagawa mo. Pagbigyan mo ko, kahit isang araw lang. Sabihin mo lahat, makikinig ako at wala kang maririnig na kahit ano sakin.

"They're in the wrong place tryin' to make it right. But i'm tired of justifying"

No comments:

Post a Comment