Yun lang naman update ko sa school. Gusto ko lang talaga maupdate tong blog ko, kawawa naman wala na ngang laman. Nagretreat kami last Sept 14-15 ata? Hindi ko sure. Sa Calaruega, Batangas.
At eto na nga ang natutunan namin sa Retreat. HI SPOOKIES! Hahahaha. Ayoko na lang iexplain kung bakit spooky tawag namin sa isa't isa, baka madumihan ang tingin niyo sakin. Oh ayan, siguro naman clue na yan. Titigan niyo na lang ng mabuti yung ginagawa namin sa picture, para malaman niyo. Overnight lang yan, pero masaya talaga. Kahit nung simula hindi kami okay lahat dahil lang sa simpleng bagay, pero okay na naman nung gabi, kaya enjoy padin. Basta, sobrang saya ko nung retreat. :-) :-)
Pwede secret na lang yung dahilan? Hihi.
Oh so after nyan, wala na namang kakaibang nangyari. Plates padin naisip ko pagbalik namin dito sa Manila after retreat. Hay hay hay. :-( Pero masaya padin ako. Hihi. Tapos, excited na ko pumasok sa school kasi makikita ko na crush ko. Pero nabigo ako, hanggang ngayon hindi ko padin siya nakikita, minsan ko lang siya makita as in bihira lang talaga. Huhu. Yun na nga lang inspiration ko, nawawala pa.Pero overall summary, masaya ako. Promise. :-) Mas okay yung ganito, yung hindi kita iniintindi, iniisip at inaalala. Kasi nakakapagod din yung ganun eh. Mas nakakastress. Buti na lang, ako na yung gumawa ng paraan, buti natututo na ko maisip ang sarili ko ngayon. Dati kasi wala lang, tuloy lang ako ng tuloy. Lalo tuloy ako napapahamak, lalo ko lang nasasaktan sarili ko. At least, ngayon natututo na talaga ako. Ayoko na eh. Pwede magpahinga naman? Napapagod na ko kaka..Ewan ko! Tama ng lokohan sa buhay, seryoso na kong tao ngayon eh. Wala ng joke joke sakin. Wala kasing mapupuntahan yung ganun eh, naisip mo ba yun? O sadyang tanga ka lang talaga? O manhid ka lang siguro? O hindi mo lang naiisip yung pwede kong maramdaman sa ginagawa mo? O clueless ka lang sa nangyayari? O wala ka talagang alam? O wala naman pala talaga?
Kaya nga minsan, iniisip ko, baka gawa gawa ko lang lahat, eto. Etong storya natin. Baka ako lang gumagawa, baka ineembento ko lang. Baka sinasaktan ko lang sarili ko. Pansin mo? Nakakabaliw yang ginagawa mo? Hindi naman ako nagagalit eh, gusto ko lang magkaron ka ng sariling desisyon sa buhay mo, gusto ko lang naman maggrow up ka, gusto ko lang naman maging maayos ka. Yun lang naman, yung hindi na lang lahat ng bagay pwede mo itago ng sayo lang, minsan kasi may mga taong nangangailangan ng sagot mo eh. Sana naiisip mo yun. Sana lang talaga. Kasi napagod na ko ng todo, sana alam mo yun. Pero sorry, natuto na talaga ako. Ngayon, alam ko na gagawin ko. Sana ganun ka din.
"Will I ever know how it feels to hold you close? And have you tell me whichever road I choose you'll go"

No comments:
Post a Comment