Monday, October 24, 2011

Love's not a competition (But I'm winning)

Well love's not a competition, but I'm winning. Or at least I thought I was but there's no way of knowing. 


I should have written this, like a week ago. Today, I could at least say I'm okay now. I'm feeling better today. Love from my family and friends and everything. Thank you guys. I owe you guys bigtime. Especially for my friends who have given me lots of big hugs, Hihi you guys are the sweetest I needed it in times like this. 


HAHAHAHAHHA FUNNY AKALA MO ANONG NANGYARI. FEELING KO NAMATAY O NAOSPITAL! HAHAHAHAHAHAHA Natawa ako sa sarili ko, sa pinaglalagay ko. Tapos alam mo yung seryoso pa tapos english barok pa. Hahahahahahaha Eh simple lang naman kwento ko, kung ano ano pa nabanggit ko. Hahahahahahahah FUNNY!


Wait, nakakaabala naman yung Twitter at Facebook sa pagsususlat ko dito. Hindi ko pa pala nasisimulan ang kwento. So ganito kasi yun, Last week kasi, Sobra talaga akong lungkot, tapos umiiyak pa ko. Corny ko no? Eh totoo naman. Kasi, grabe yung nalaman ko eh. Ako pa talaga yung nakaalam, yung hindi galing sa iba. Mas masakit pag ganun, tapos sa tinuring mo pang kaibigan. Pero, hindi naman nabanggit na ako ang tinutukoy nya sa mahiwaga nyang kwento, pero alam mo yung pakiramdam na, oo alam mo yung sinasabi nya, nararamdaman nya habang ginagawa yung kwento nya? Alam mo yung, alam mong ikaw talaga. Ganun kasi yung naramdaman ko. Hindi ko na nagawang tanungin siya, kasi sobra talaga yung galit ko. Alam kong mali ako kasi pinangunahan ko lahat, oo, hindi ko naman alam din ang mga nangyari, ang alam ko lang yun lang. Hindi ko naman alam lahat nangyayari kasi wala ako dun eh. Aminado talaga ako, mali talaga ako dito sa nangyayari na to. Parang ako lang gumagawa ng lahat talaga, since day 1. Puro ako nagsasalita. Wala akong naririnig kahit isa sa kabilang side. Minsan kailangan ko ng answers eh. Kaya siguro ang galing ko manghula sa exams. 


Naawa pa ko kay Papu. Kasi nasa harap ako ng computer, tapos kausap ko isa kong kaibigan na todo magbigay ng mga wala akong masabing payo. Grabe talaga, sa hindi ko maintindihan na pakiramdam ko, hindi ko napigilan umiyak, eh biglang dumating si Papu, tapos hindi ko sya masagot, kasi ayokong humarap, makikita nya ko. Tapos alam mo yung gustong gusto nya ko kausapin, pero hindi mangyayari kasi naiiyak na ko, hanggang sa di ko napigilan, pumasok ako ng banyo, nagbukas ng tubig tapos naiyak talaga ako. Nung lumabas si Papu para magtimpla ng kape, pumasok na ko sa kwarto at umiyak. Pasensya na Papu, hindi ko na napigilan, gusto ko pa man din makipagkwentuhan. Pasensya na, babawi naman ako. Tapos pinilit kong maging okay, kasi padating na ang aking Ina. Pero thank you talaga sa kaibigan kong yun, kung pwede lang itabi yung mga mensahe mo sakin. At babasahin ko minsan pag natatanga ako. Salamat ah! Kilala mo kung sino ka. :-)


Ayoko na. Nakakapagod na to. Gusto ko ng totoong tao. Please. Sorry, kung sisirain ko na ang lahat. Oo, sa kabilang banda nanghihinayang ako sa lahat. Sa dami ng pinagsamahan. Uy corny na sa part na to. Haha! Pero please. Kailangan eh, kailangan mangyari to. Wag na nating isipin kung sino ang nagsimula at gumawa neto, basta, ako ang nagtapos. 




"Is there anything worth looking for, worth loving for,worth lying for. Is there anything worth waiting for, worth living for, worth dying for."

No comments:

Post a Comment