Saturday, December 24, 2011

I'm officially missing you

10:49 pm, December 24, 2011. Malapit na magpasko, hindi ko naiisip ang mga regalo na matatanggap ko, o kung malaki ba ang mga laman ng envelope na ibibigay sakin. Iniisip ko, kung ano ano ba ang mga dapat kong pasalamatan kay Lord, madaming nangyari ngayong taon na hinding hindi ko makakalimutan. Pero wait lang, hindi ito ang year-end blog ko. Pasko pa lang e. Haha


Lord, I'm officially missing you. Pasensya na hindi na kita masyadong nakakausap bago ako matulog, baka isipin mo nilalapitan lang kita pag kailangan ko ng tulong. Pasensya na lagi ako nagpupuyat na halos maguumaga na ako kung matulog, at sa sobrang antok ko, nakakalimutan kong kausapin ka, pasalamatan ka, at kwentuhan ka. Malapit na ang kaarawan mo, oo maraming nakakalimot na ang Pasko ay kaarawan mo at hindi araw ng bigayan ng mga regalo na galing kay Ninong at Ninang. Sana magustuhan mo ang handog naming kainan para sayo. Sana masarapan ka, luto ni nanay yan. Sabi nga ni Rihanna sa kanta nyang "Run This Town", You're gonna run this town tonight. Di ba? Para samin, kahit hindi kami nakapagsimba, o nakapagdasal bago kumain, hinding hindi ka namin nakakalimutan, at lalong lalo na hindi namin nakalimutan na kaarawan mo ngayon, habang buhay kasama mo kami tuwing kaarawan mo. Mahal na mahal ka namin! Maraming Salamat sa lahat!


MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT! :-)

No comments:

Post a Comment