Sunday, June 20, 2010

Papu

Papu, ito ang aking tawag sa aking tatay. Hindi ko alam saan ko ito napulot. Magbabanggit ako ng ilang katangian ng aking tatay. Siya ay si Noel Edwin Matias Gamo, isang arkitekto at nagtatrabaho sa kumpanya ng mga Ayala. Siya ay payat, hindi siya tumataba kahit gaano pa kadami kainin niya, sa tingin ko hindi na talaga siya tataba. Kuripot siya, hindi siya bumibili ng mga mamahaling bagay, kahit sa mga simpleng bagay kagaya na lamang sa mga damit at sapatos. Ayaw niya ng mga mamahaling bagay. Inaamin niya naman na kuripot siya. Tahimik siya, kapag may mga nangyayari sa pamilya o kahit saan man, hindi siya masyadong nagsasalita. Minsan, pero konti lang madalas tinatago ang tunay na nararamdaman, kung magsasalita naman matindi ang ibig sabihin. Mahilig siya maglinis, minsan nagaaway kami dahil madalas mahilig siya magtapon ng mga bagay sa tabi tabi, gusto niya nasa ayos ang lahat, ayaw niya ng may naiiwan sa table, lahat inaayos. Mahilig siya magwalis at magpunas, daig pa ang aming kasama sa bahay. Marami pa siyang katangian, pero yan ang pinakanakatatak sa aking isip.


Osan,


300 for u, pamasahe mo tom, If di mo kaya wag ka muna pumasok. Get well soon.

Papu


Dito kasi sa bahay, madalas magiwan ng sulat sa kapirasong papel pag nauuna na silang umalis sa akin, at maiiwan na ako sa bahay. Lahat ng sulat ng tatay ko nakatabi, kasi bihira lang siya maging ganyan, magiwan ng pera at sumulat. Hindi gaya ng nanay ko na lagi. Mayroon pang isa.

Anak ko,


May ulam ka na maya, May pang gastos pa (may emoticon pero hindi matatype, complicated HAHA!) He he! Be Good! :)

Papu!


Marami pang ibang sulat, pero yan na lang. Nakakatamad na magtype, parepreho lang naman ang sinasabi. Sa totoo lang, para sakin hindi simple ang mga yan, tuwing makikita ko napapasmile ako. Kasi hindi ko akalain, kasi bihira lang talaga. Natutuwa ako, hindi kami close ni papu, hindi kami laging nagkekwentuhan, dahil sabado lang siya umuuwi at nagtatrabaho siya sa maynila at dun muna tumitira dahil mahirap maguwian ng Manila-Cavite. Mas close kami ni mama, nagkakakwentuhan lang pag may itatanong ako tungkol sa mga Plates at mga kanta, dahil pareho kami ng hilig. Mga lumang kanta na alternative, diyan kami nagkakasundo. Minsan pa nga may pasalubong siya sakin, isang box ng donut. Nagulat talaga ako, hindi ko yun inaasahan 1 am na nung dumating siya, pero kumain padin ako dahil natuwa talaga ako. Pag nanay ko may pasalubong natutuwa din ako siyempre, pero iba yung tuwa ko pag si papu ang may bigay. Kanina lamang sabi niya sakin, "Zan, samahan kita bukas? Bibili ka daw ng bag?" Ang usapan, lalabas kaming buong pamilya dahil father's day, eh dahil may gagawin si mama akala ko hindi na matutuloy, pero nagawa niya padin akong samahan. Natouch nanaman ako. Papu, sana mabasa mo ito.

Pa, 


Alam mo, Mahal na mahal ko kayo ni mama, kahit hindi ko yan talaga sinasabi sa inyo, kahit thank you ALAM NIYO KUNG GAANO KO KAYO KAMAHAL, at kung gaano ako ngpapasalamat sa lahat ng inyong binibigay sakin. Sa lahat lahat, masyadong madami pag sinabi pa, pero alam ko namang alam niyo yan. Namimiss kita pag nandito ako sa bahay ng weekdays, siyempre wala ka at sabado ka lang umuuwi. Namimiss ko kayo ni mama. Sana pa, bawasan mo na ang iyong pag hilik masama daw yan, at ang pagsipa pag ikaw ay aming ginigising. Sana tumaba ka na din para hindi ka na masasaktan pag sinuntok ka namin ni mama. Tigilan mo na sana ang iyong paninigarilyo, lalo ka na mama, masama yan ayokong maaga kayong mawala. Pati na din ang pag inom. Alagaan niyo naman ang inyong mga sarili, pero wag kayong magalala, aalagaan ko naman kayo kahit ako lang magisa, kakayanin ko. Anong magagawa ko? Isa lang naman akong inyong anak. Pinapangako ko na pagbubutihin ko ang lahat ng maging isang Interior Designer at para makapagtrabaho at masuklian ko naman ang inyong mga hirap. Pa, salamat ha? Wala man akong boyfriend, 2 naman ang iniibig kong lalaki, siyempre ikaw at si jesus. Dadating ang panahon na mawawala ang aking mga tunay na kaibigan ngunit sa huli kayo padin ni mama ang aking tatakbuhan pag may problema, kayo ang mas lubos na makakaintindi sakin. Sana ako ay inyong mapatawad sa aking mga nagawang kasalanan, lalo na ang aking pagsagot, inaamin ko naman. Minsan, hindi ko na talaga mapigilan, sana ako ay inyong maintindihan. Pinipilit ko namang baguhin yun. Minsan, bigyan niyo naman ng pahinga ang inyong mga sarili, minsa'y ako din ay nagaalala. Inuulit ko, hindi ko man madalas sabihin, MAHAL NA MAHAL KO KAYO NI MAMA AT MARAMING MARAMING SALAMAT. 


Nagmamahal,


Ang nagiisa niyong anak, Zan.



2 comments: