Saturday, June 26, 2010

Hindi nga pwede!

Minsan sa ating buhay, may mga pangyayari na gusto nating maulit. Dahil siguro tayo ay sobrang naging masaya, pero alam naman nating lahat na hindi natin maaaring balikan ang bagay na nangyari kahapon o kanina. Pwedeng ulitin, pero hindi natin mauulit ang ating naramdaman, nagawa, nasabi o nakita sa mga panahong iyon. Hindi na ulit magiging sobrang saya o kung ano man. Nakakatuwa din isipin hindi ba? 


Sana minsan ang buhay parang ipod. May next, previous at pause. Next kung gusto na nating makita ang mga mangyayari sa mga susunod pang panahon, Previous kung mayroon naman tayong gustong balikang pangyayari at baguhin ang mga pangyayari. Pause, kung gusto naman natin manatili sa sandaling iyon, na parang titigil ang lahat ng galaw. Sana nga may mga ganyang pinipindot. Gusto ko ang Previous at Pause. Previous para balikan ang mga pagkakamali at baguhin ang lahat ng katangahan na nagawa ko.Pause naman, para sa mga sandaling gusto kong panatilihin. Mga sandaling kung pwede lamang ay panatilihing ganon na lamang habang buhay. 


Pero lahat ng ito ay imposibleng mangyari. Sabi nga nila "LIVE LIFE TO THE FULLEST" kasi isang beses lang mangyayari ang lahat, kaya sulitin na ang panahon na natitira, gawin na ang mga dapat gawin. Wag ng magaksaya pa ng oras sa mga bagay na hindi naman dapat pinagaaksayahan ng oras. Hindi na mababalik ang lahat, dahil magagawa naman nating ulitin ito, at maaaring mas masaya o kung ano pa man sa dating nangyari. Mahihigitan natin ang mga dating nangyari. Naintindihan niyo? Ako kasi naguluhan. Haha! Pero ganon nga. Hindi nga pwedeng balikan pa. 

No comments:

Post a Comment