Grabe, parang forever ko na tong hindi nabuksan. I'm sorry dear followers, kala mo naman milyon ang nagfofollow. Wala pa nga sa 5. Haha! Bakit ko ba binabara sarili ko? Baliw ko lang no? Tapos kinakausap ko pa sarili ko? Tae. Tama na nga. Haha!
So, saan ako magsisimula? Okay. Sembreak ngayon, kaya may panahon ako para magganito. Kasi nung huling linggo bago magtapos ang klase, finals week noon. Hindi na ako magkandaugaga sa mga gagawin ko. Biruin mo? Mahigit 70 piraso na furniture iddrawing? At yun na ang final exam namin, pero hello? May watercolor pa yun? Mamatay na! Hindi lang naman yun ang subject namin, yung iba drawing din. So kulang isang table sakin, at lalong kulang ako sa kamay. Sana naging octopus ako, para marami akong kamay. Sobrang nakahinga ako ng maluwag noong natapos ang linggong yun, sa totoo lang. Pero hindi padin ako makahinga, dahil sa friday na lalabas ang grades. Sobrang kinakabahan talaga ako. Dahil yung Interior Design subject ko, hindi ko alam bakit ang baba ng grades na binibigay sakin. Bakit hindi ko magawang magustuhan niya ang drawing ko, iba iba naman ang appreciation ng isang tao, pero bakit? Hindi naman saksakan ng pangit yung gawa ko. Ano ba yan, hindi na nga mawala sa isip ko yung grades, hanggang dito ba naman nababanggit pa. Haha! Anyway.
Sorry, feeling ko ang drama ng mga previous blogs ko. Eh kasi naman! Summer yan. Eh ano naman? Hahaha. Ewan ko? Siguro nung summer, inoopen ko lang yung blogspot para maglabas ng nararamdaman ko. Pero "Blog" naman to eh,para san ba ang blog? Para magsulat at magshare sa lahat ng iyong mga nararamdaman. Tama ba ako? Kung hindi, eh malamang, hindi ka naman si zan? Magkaiba talaga tayo. Haha! Pasensya na din, madalas tagalog ang gamit kong language, eh kasi mas naeexpress ko ng maayos yung gusto kong sabihin, dahil hindi ko naman itinatanggi na hindi talaga ako ganun kagaling magenglish gaya ng iba, na simula palang noong bata, english na ang language, pero ako hindi.
Bakit umabot na dun ang kwento? Hahaha. Gusto ko pa gumawa ng isang blog, tungkol sa isang bagay na out of 10 people, 2 lang ang nakakaalam. Hindi ko kayang ilantad lahat ng mga detalye. Siguro yung nararamdaman ko na lang. Ewan. Bahala na, pagiisipan ko muna kung ano ilalagay ko. Medyo mahirap eh. Hahaha. Ayaw tumigil ng mga kamay ko magtype. Mukhang ginaganahan ako magsulat ngayon! Yehey!
ABANGAN.
No comments:
Post a Comment