Madalas kasi akong nananaginip ng nahuhulog dito sa creek malapit sa bahay namin. Saglit lang, mga 5-8 seconds lang. Ganon lang kabilis, tapos pag malapit na ako bumagsak, nagigising na ako. Matagal na to, siguro bata pa ako. Laging hindi natutuloy, same scene lang. Kahit gusto ko ituloy, hindi naman matuloy.
"Falling dreams also often reflect a sense of failure or inferiority in some circumstance or situation. It may be the fear of failing in your job/school, loss of status, or failure in love." -Source
Basahin niyo ang iba pang nakasulat sa article, kung kayo ay interesado. Ako ay natatakot sa nababasa ko. Haha! Hindi ko alam kung maniniwala ba ako, sabi nangyayari eto karaniwan sa simula ng pagtulog, ngunit sa akin. Nangyayari eto pagkatapos ng 1 panaginip, huli eto at pagkatapos ay nagigising na lang ako.
Mayroon pang isa, hindi ko alam kung "Falling Dreams" din ba ito, maraming beses na din, pero iba. Ako daw ay naglalangoy, at patuloy na lumulubog. Pero hindi ako naglalangoy paakyat. Ang kapaligiran ay kulay itim, samantalang pag tumingin sa itaas ay kulay asul. Nakakatakot, pero bigla na lang din ako nagigising.
Ngunit kagabi lamang, hindi na nga pala gabi yon, 2 am? Haha! Kakaiba ang aking napanaginipan, unang beses pa lang eto. At hindi ko inaasahang ang taong kasama sa panaginip ko ay ang taong ayoko ng isipin. Hindi na lang ako magbabanggit, pero okay lang sakin na ikwento ito. Ganito ang nangyari, mga less than a minute din ito. Sa simula, nakita ko siyang nadaanan namin, nakasakay ako sa isang itim na sasakyan, may kasama ako, may driver eh, medyo mataba siya na may balbas na kulay brown, ngunit hindi ko siya kilala sa totoong buhay. Noong kami ay papaliko, tumigil kami, umuulan ng malakas, at pumasok yung nakita ko kanina, sinigawan niya yung driver namin na pagtingin ko ay parang naninigarilyo at sabi nung nakita ko "Di ba sinabi ko na sayong itigil mo yan?" Yan na lang ang naaalala ko, ngunit marami siyang sinabi, hindi yan ang eksaktong sinabi niya, ngunit yan ang ibig sabihin, na para bang galit siya sa driver ko, galit na galit.Tapos after nun, bumaba ako sinundan ko siya. Tapos sinamahan ko siya, umupo kami. Galit na galit padin siya tapos hindi kami naguusap. After nun, wala na nagising na ako.
So anong ibig sabihin nun? Ayoko na nga siyang maisip pa o ano man, siya pa napanaginipan ko? Miss niya ko? Nyahaha. Joke lang, pero ewan ko. Hindi ko na alam ang paliwanag dun.
"So don't think im pushing you away, when you're the one that i've kept closest."
No comments:
Post a Comment